r/ShopeePH • u/belmont4869 • 16h ago
Product Review Gamit na Panty, binenta ulit lol
So bibili dapat ako ng undergarments kaya napabrowse sa shoppe tapos bet ko yung seamless kasi gaganda ng review and style niya. Not until chineck ko ung one star ⭐ review section. Grabeeee, nangyayari ba talaga to, kadiri naman, pano kung may sakit ung gumamit niyan , e di mahahawa pa ung buyer. Di ko din gets hoe come di un napansin ni seller, ano un lagay lang ng lagay sa pouch without even checking. Naisip ko tuloy what if may magsuli sa kanila tapos lalabhan lang para fi magmukang gamit yuuuuck. Tawang tawa ako na may halong inis. Better talaga na check muna ung 1-3 star review before buying kahit million pa followers ng shop, don't trust. Like sa shop na to na 1 million plus ang followers and focus sila sa undergarments, tapos deceiving na pala ang service na binibigay nila sa present buyer, pero ung nasa unahan na review is mga 5 star na buyer nila years ago pa yung date ng reviews.