If you know this NGO, they are very, yes VERY, loud sa ibang bansa about veganism and animal welfare.
Nagtrabaho ako rito bilang assistant sa imbestigasyon under an Independent Contractor setup, and ito lang masasabi ko: 'WAG KAYONG MAG-APPLY DITO LALO NA SA INVESTIGATION DEPARTMENT.
Ang daming red flags sa investigation department, lalo na yung manager doon na sobrang hirap kausap. Foreigner siya tapos grabe ang micromanaging like every hour need ng update. At kapag hindi ka agad nakapag-reply dahil busy ka sa mismong pinapagawa sa'yo o nasa field work ka, ipe-pressure ka niya at ikakwestyon ka pa niya nang super. Tapos yung output mo, lagi niyang kinakwestyon at sinasabing "kaya naman dapat ng 1 hour 'yan" kahit na sobrang dami nun at kailangang napakadetalyado ng report.
Ang trabaho ko kasi rito ay mag-undercover sa mga lugar at negosyo na may kinalaman sa hayop gaya ng breeders, farms, slaughterhouses, kalesa, palengke, and so on. I used a hidden camera para mag-record ng field footage. After the investigation, I had to write all the details ng nakita ko without assumption since bawal 'yun—basta kung ano lang yung nakita mo at ng lente ng hidden cam. Hindi siya madali kasi kailangang very detailed and comprehensive, as in idedescribe mo yung mga taong nandun, yung sukat at itsura ng lugar, exact location, pati dimensions ng kulungan kung nakakulong ang hayop, kung anong meron sa loob ng cage, etc. They did this para daw makita kung may cruelty bang nangyayari at kung maayos ba ang welfare ng hayop.
Anyway, back to the manager, grabe ang micromanaging niya! Dapat update ka nang update sa ginagawa mo, tapos ipe-pressure ka pa sa mga gawaing hindi naman urgent. May time nga na nagbagsak sa akin ng napakaraming trabaho nung Biyernes ng hapon na, tapos kailangang maipasa agad ng Lunes ng umaga. WTF. Sobrang hirap niyang kausap and even ibang departments alam kung gaano siya kahirap makatrabaho at nabanggit din sa akin nung nakakwentuhan ko sila dati. Naalala ko rin nung pinipilit pa niya akong pumasok sa office nila mismo, since may office sila dito na naka-based, kahit wala naman silang mapoprovide na equipment for me doon. AFAIR, they know na I have no laptop and desktop ang meron ako since nasabi ko rin ito during interview. Nasabi niya rin na wala talagang mga equipment tong organization na to since nagdadala daw usually yung mga employee ng laptop (hello DOLE). At ito pa, 30 minutes lang ang break nila (hello again, DOLE).
Malakas ang kutob ko na pinapalitan talaga nila ang mga tao sa role na ito every few months or every year. Malaman-laman ko, may opening na naman pala sila for an investigation role since last month. Feeling ko rin tactics nila ang magpalit-palit ng mga undercover para hindi makilala ang mukha ng tao kapag paulit-ulit na pumupunta sa same investigation areas. Nilalagay ka nila sa Independent Contractor setup para walang benefits, walang sick leave, at para sobrang dali ka nilang matanggal kapag ayaw na nila sa 'yo tsaka mas makakatipid yung kumpanya kasi wala silang sagot sa'yo.
I hope makita ito ng mga prospective applicants at sana hindi niyo maranasan ang lahat ng naranasan ko rito. Kung ako sa inyo, please wag niyo nang ituloy. Gagamitin lang kayo at the end.