r/Batangas • u/princess22cake • 1h ago
Random Discussion | Experience | Stories Job Fair fail (10/26/2026)
Dumating ako ng 8am dito kasi 8am naman daw talaga ang simula ng event. Pagdating ko pa lang madami nang tao. Karamihan samin hindi alam na isinabay pala at same venue yung TUPAD.
Pagpasok namin karamihan samin nagtanong sa staff kung san pupunta. Sabi nila umupo daw sa taas. Umupo kami tapos nakita namin sa baba na madami nang nakapila sa booth ng employers. Tapos bumaba kami, nakipila din. Tapos mga 9:30AM saka lang kami sinabihan ng isang staff (yung naka mic) na yung may number lang daw pala ang ie-entertain ng employers. Eh wala naman nagsasabi samin na mayroon palang kailangang ganun. Wala naman nagsabi samin nung entrance pa lang, kaya karamihan samin eh naguguluhan at di alam kung san pupunta.
Pinalabas kami at pinapila sa numero. Dito na nagkagulo at nagka-ipitan. May nahimatay pa. Tapos isang oras ako nakapila, naubusan daw ng number. Wala ding nangyari sa pagpila ko para dun sa number. Ewan ko bakit ang tagal eh isang maliit na piraso lang naman ng papel yung number.
Tapos pumila na lang kami dun sa booth ng employers, may number man o wala. Walang organization sa pagpila. Oo aaminin ko, parehong kasalanan yun ng tao at ng organizer kasi walang disiplina ang madami kahapon. Madaming nasingit sa pila. Magulo talaga.
Dahil nga nasa gitna nung venue yung upuan ng mga TUPAD, hindi rin naman kami makapila ng ayos kasi walang space. Ang talino talaga ng organizer nito kung meron man kasi hindi man lang inisip yung logistics ng saan pipila ang mga applikante 🙄
Worst job fair ever. Sana naman ayusin nyo. Mahirap na nga ang tao eh jino-joke time nyo pa. Parang winalanghiya kami kahapon.