25th Birthday Celebration sa Jollibee! 🩷
Story time lang, mai- share ko lang..
Bata pa lang ako sobrang favorite ko na ang Jollibee. Sobrang bihira lang kami makakain sa Jollibee, pag mag sobra lang si papa sa sahod nya.
One time, sabe ni papa aalis kami at kakain kami sa Jollibee. Sobrang saya ko! Nakapila na kami sa cashier, tandang tanda ko pa bumulot lang si Papa ng 50 pesos at konting mga barya tapos binayad nya na kay ateng cashier.
Dumating na yung order namin, nagtaka ako isang jollibee chicken joy lang. Hinimay na ni pala yung fried chicken ko tapos sabi nya mauna na daw ako kumain kasi inaantay pa nya yung order nya.
Natapos na ako kumain, sabi ng papa ko, “Nak, tara na. Ang tagal ng order ko eh”
Ngayon, kapag binabalikan ko yung pangyayari na yon, napagtanto ko na kumain kami sa Jollibee pero ako lang yung pinakain ni Papa kasi sakto lang yung pera nya.
Sa program ng Jollibee, hindi mawawala yung birthday wish ng Mother and Father. Grabe yung iyak ko nung sinabe ng Papa ko, na dati isang order lang ng jollibee chicken yung kaya nyang ma afford, ngayon napag birthday ko pa ang sarili ko sa Jollibee.
God is good! Thank you, Lord!