Hello po! Baka may mairerecommend kayong bank or legitimate bank loan agent/representative na puwedeng mag-assist sa personal loan application ko for debt consolidation.
Sharing my current credit profile for reference:
TransUnion Credit Score: 676
TransUnion Risk Grade: FF
Loan Amount Needed: ₱200,000–₱250,000
Purpose: Debt consolidation para mas maayos kong ma-manage ang monthly payments ko.
May existing personal loans pa po ako sa UnionBank, CIMB, at Metrobank, pero ang goal ko sana ay makakuha ng loan na makakatulong pagsamahin o ma-manage nang mas maayos ang mga existing obligations ko.
Banks/lenders na na-applyan ko na:
CTBC Bank
EastWest Bank
BPI
SB Finance
Welcome Bank
May ongoing follow-up pa po ako sa ilang applications, kaya naghahanap din sana ako ng ibang possible options.
May mga bank loan agent or representative po ba rito na puwedeng mag-assess ng profile ko at mag-recommend kung aling bank ang may chance na mag-consider ng application ko, kahit FF pa ang current TU risk grade ko?
Mas preferred ko po sana ang legitimate bank personal loan na may reasonable interest rate at monthly amortization na kaya ng budget ko.
Sa mga may similar experience or nakakuha ng personal loan for debt consolidation, anong bank po ang puwede ninyong i-recommend based sa ganitong profile?
Thank you po sa anumang advice or recommendations! 🙏