r/PokemongoPH • u/CruelSand • 2h ago
AMBASSADORN’T
Bukod sa number of check-ins sa campfire and other technical stuff, may iba pa bang criteria ang pagiging ambassador, like their behavior and character during community meetings?
There’s this applicant kasi from Marikina City na pilit na pilit makamit ang pagiging community ambassador and may mga times na ang rude ng behavior niya.
One time, nagalit siya kasi kinulang yung number of check-ins during a meet-up and sinabi pa niya na wala ring kwenta ‘yung ginawa namin kasi hindi niya na-reach yung minimum check-in requirements.
Also, ang weird at off ng interactions niya sa ibang members; For example, magtatanong siya sa’yo tapos after mo sumagot, ang response niya is “Ano pake ko?” or ang greeting niya would be “Oh, sino nagsabi na pumunta ka dito” in a condescending tone. Jokingly or not, I believe na hindi dapat ganito ang behavior ng isang aspiring community ambassador. Ito rin ang isa sa mga dahilan bakit ‘yung mga newcomers sa community ay nawawalan ng gana or nahihiyang umattend sa mga in-person events.
May time rin na meron rin siyang nabanggit na mag-ingat raw sa certain community sa QC dahil associated or tolerated ang flyers kahit super bait at tumutulong sa pagdevelop sa community namin ’yung ambassador nila noon.
Ironically, explicitly stated sa IRR ng community na ito na hindi allowed ang spoofers. Pero lo and behold, may concurrent admin na spoofer na nga, ang lakas pa mag-demand na umattend ng in-person events.
In addition to this, this admin insisted na pumunta ang mga players nang maaga sa raid hour so may concerned member na nagsabi na hindi maiiwasan ang mga late kasi may mga work and other stuff na pinagkakaabalahan sa buhay. After that, nagalit si aspiring community ambassador bakit raw kino-contest ni concerned member ang rules kuno at kinick sa GC.
This post was made to spread awareness sa mga nagfa-facilitate ng Ambassadors Program, maging maingat at mabusisi po tayo sa mga mapipili nating future community ambassador.